Dalangin Testo

Testo Dalangin

Gusto ko sanang mahawakan ka
At minsan pa ay mayakap ka
Gusto ko sanang makausap ka
At minsan pa'y mahagkan kita
Madilim man ang iyong paligid
Liwanag ko ang siyang sisisid
Ang tamis ng aking mga halik
ang siyang magsasabing sayo'y mananabik
Sa ilalim ng buwan tayo'y magsasama
Sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya
[chorus]
O aking giliw, wag nang malumbay
ang pagibig ko sayo ay maysaysay
sa iyong paggising walang aakay
nandito lang ako naghihintay
pagkat ang nais ko'y ika'y maging akin
mga palad mo ang siyang aking dalangin
Sana wag mo akong ibaon sa limot
damdamin kong ito'y panahon pa ng Batibot
lahat ng bagay ay aking gagawin
upang ang puso mo ay aking maangkin
habang buhay ako sa iyo magpapadaya
pakiusap ko sa'yo wag kanang magaalala
Di ka mawala sa aking isipan
matagal na akong sabik sa'yo
sana naman ako ay pagbigyan
o wag na lang lilisan
Gusto ko sanang mahawakan ka
at minsan pa ay mayakap ka
gusto ko sanang makausap ka
at minsan pa'y mahagkan kita
sa ilalim ng buwan tayo'y magsasama
sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya
[repeat chorus]
Artisti per lettera
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9
Privacy Policy
Privacy & Cookie Policy